BAHA : random thoughts!
after more than a month of dry spell and unusually hot monsoon season, the rain cloud has finally arrived. 2 days ago I came home from work and it's still dark, when finally it's drizzling outside... and before i knew it, it's a down pour.. ika nga ni lelay "it's raining cats and goats!"
It's been raining for two days now. So bring out the good books and hot mug of swissmiss, curl-up beside a rain battered window panel wearing your favorite pair o' socks, look down on the flooded streets and say: "mga hampas-lupa! bwahahahaha" (with a celia rodrigues infliction).
I'm not in the right blogging mood, I just want to play dead in bed. So I'll just re-post a blog from last year. This is also a perfect time to cuddle in bed and commit adultery!
-----------------
Lumaki ako sa isang lugar na konting ulan .. bumabaha.. nagtataka nga ako kung bakit di ako tinubuan ng kaliskis at palikpik gayong umiikot ang formative years ko sa baha.. kasabay ko lumaki ang mga Escherichia coli at leptospira interrogans na main-stay sa barangay namin...
sa baha ako nakapag laro ng bangkang gawa sa de gomang tsinelas, manghuli ng dalag, karera ng bangkang papel, mamingwit ng samutsaring basura (mula sa plastic bag hanggang sanitary napkin) at sa maniwala kayo at sa hindi.. doon din ako natuto lumangoy.. hindi ko nga alam kung bakit buhay pa ko.wala nang sasarap pa sa isang lunes ng umagang malamig at madilim, nakakatamad pumasok dahil umuulan.. tapos biglang i-a announce: all levels CLASSES SUSPENDED ... YESSS! sabay balik sa kama.. tuloy ang tulog.
at wala parin tatalo sa almusal na sinangag, tuyo, kamatis at bagoong.. dagdagan pa ng mainit na kape.. di uso starbucks.. solve na sa kape puro at blend 45 (FYI: wala nang blend 45 sa market ngayon dahil binili na ng rustans para mag supply ng coffee beans sa starbucks)
nung winasak ng bagyong katrina ang new orleans last year.. napanood ko na delubyo ang naidulot nito sa mga nasalantang lugar.. at kakaibang ka-dramahan ang ipinamalas ng mga kano.. akalain mong may umiiyak, may hinihimatay dahil sa anxety attack, may mga nagpapanic at halos mabaliw sa pagwawala.. samantalang ang baha e hangang tuhod lang .. OK LANG SILA?!
HELLO! normal yan dito, kung ang mga kano akala mo ili-lethal injection kung mag drama pag may baha.. e ang mga pinoy, lalo na ang mga bata, mas nageenjoy pa. sa baha kasi nahahasa ang creativity at survival skills ng karamihan sa aming mga pinoy. pagkakataon na rin ito para may excuse na mag-pakabulok sa kama ang mga tamad at rumaket ang mga sukag at gahaman sa pera!
eto ilan sa mga tried and tested raket:
- improvised float vessel gawa sa styro ..... P30 / sakay
- stepping stone / tulay ... kahit magkano (wag lang bababa sa P2) / tawid
- linis windshield (tubig galing sa kanal o baha) ... pag bumaba sa P5 - kumaripas ka na!
- tricycle na triple presyo sa taxi
naaalala ko tuloy nung bata ako, nadidissapoint ako pag bumababa na ang tubig baha... Kung sa ibang bansa CALAMITY ang baha .. sa pilipinas, HOLIDAY!
[photo caption: aug 2004, espana, infront of UST hi-way po ito, jetski for rent 200/hour available at piy margal st.]
No comments:
Post a Comment