Wednesday, October 17, 2007

BIRTHDAY BOO BOO'S

matutuwa ka ba kung tapos na ang 1/3 ng buhay mo?


"the average life-expectancy among filipino men is 79 years old" - NSO 2003


WHAAAA! ibig sabihin halos dalawang 27 years na lang ang itatagal ng katawang lupa ko! dalawang mabilis na 27 years... katakot! dapat gawin na lahat ng pwede gawin!


27 oct 15's na pinag daanan ko..
23 lang dun ang naaalala ko..
halos lahat dun umuulan .. baka daw may lahi akong engkato sabi nung classmante ko nung hi-skul


nung bata ako lagi ako excited mag bday, kasi may spaghetti, fried chicken, diluted orange juice, goldilocks cake na may nakasulat na "happy birthday ron-ron" pero mas malaki yung font size ng "FROM YOUR NINANG _____!"


pero habang tumatanda ka, di ka na mae-excite.. hihiritan ka kasing mag libre at magpainom, all of a sudden, lahat sila close friends mo! kaya mas gugustuhin ko na lang mag tago sa likod ng gasul buong maghapon!


dati, ang alam ko, ikaw ang iti-treat ng mga kaibigan pag birthday mo, hindi pala ganun, dahil may mga kaibigan, na nang-lilimas ng bulsa at walang pakundangang nagkakamal ng sweldo mo para i-refill ang bahay-alak at pakainin ang mga bulate nila sa tyan.. habang buong gabi ipinaaalala nila sayo na tumatanda ka na at at paubos na ng paubos ang natitira mong oras sa mundong ibabaw! ANG SAYA NO?! shet


sa loob ng 27 years, maraming kakaiba, nakakatuwa at nakakatawang regalo ang natanggap ko.. eto ang top 10:

10...photo album at picture frame, na may flower sa sulok (itaas ang kamay ng hindi nakatanggap nito!)

9....panyo, hindi to nawawala.. napaka 'unique' (bukod pa yung pag pasko)

8....snake and ladder, chessboard at yung gameboard na free sa ovaltine (effort!)

7....sand clock, errr!

6....avon na lotion (hindi ko alam kung aanuhin ko yun nung 10 years old ako)

5....last year's planner.. pero at least nagamit ko parin. scratch paper!

4....stickers... hindi voltron, hindi voltesV, hindi thunder cats at hindi transfomers ..HELLO KITTY!

3....cassette tape ni LALA AUNOR.. WHO THE... ni hindi ko nga alam kung pilipino nga ba yun

2....teks, isang bundle ng maliliit na cards na may mga eksena ng nardong putik at panday (1987)

AND THE TOP:

1....DIORAMA! eto yung science project nung elementary kami, yung naka lagay sa kahon ng sapatos na binalot ng plastic cover. May eksena sa loob gamit ang samut-saring toy figures na libre sa CHEESCARS (chichirya), isama mo na ang lupa at plastic na dahon ng xmas tree ... ang sweet diba? hindi ko naman masabing "OKEY KA LANG? E MAS MAGANDA PA NGA GAWA KO DITO E!" pero shempre di ko sasabihin yun, at least naalala nya ko!


nagkita ulit kami sa friendster nung classmate kong nagbigay nun, hindi na nya maalala na niregaluhan nya ako! or, baka nagdedeny lang!


itong taon na 'to hindi ko masyado naramdaman ang OCT 15, maraming nakaalala (SALAMAT SA INYO!) meron din naman na inaasahang maka-alala pero dedma.. mag isa lang ako maghapon, di kasi ako pumasok, magdamag din ako nanood ng shaider at bioman sa youtube.. tsaka natulog!


at syempre umuulan na naman. WHAT'S NEW?!

HAAAY! HAPPY BIRTHDAY TO ME!

1 comment:

Peanutbrittle Diaries said...

ahahhahahaha!! so funny, this post!!! belated happy birthday!!! gusto mo diorama??? hahahha