Tuesday, June 5, 2007

BOARD EXAM: part 1

Gaano ba kahirap makakuha ng lisensya bilang nurse sa pilipinas?

imagine...


matapos mong aralin ang makakapal na libro ng anatomy, surgery at fundamentals; isapuso ang DOH book from cover to cover, not to mention ang pagmememorize ng samutsaring mikrobyo at sakit na di mo alam kung saan planeta nagmula.. tapos nun, papahirapan ka pa ng isang Grand FInale na itago natin sa tawag na ...


BOARD EXAM!


nakakatawa, nakakapagod, nakakaiyak at nakaka bula ng kilikili ang prosesong ito. kung inaakala mong natatapos sa graduation at pagsusuot ng toga ang kalbaryo mo... pwes nagkakamali ka. Dahil hindi pa yun ang tamang oras para isanla ng tatay mo ang ngipin nyang ginto at ipa-katay ng nanay mo ang pinakamamahal nyong baka.


Kinakailangan mong i-file sa PRC ang requirements, cases, papeles, birth certificate, clearances, transcripts, authentication of circumcision at marami pang iba.


pipila ka sa luma, amoy pawis, magulo at masalimuot na mundo ng PRC. Para itong concentration camp ng mga Nazi nung world war II.. si Hitler na lang ang kulang , kumpleto na ang cast.. At kahit gaano mo na-master ang mga pinag aralan mo sa loob ng ilan taon sa college, magugulo ang utak at pagkatao mo sa lugar na to, and by the time you step-out of the PRC exit gate... para kang na-reformat na PC .. TABULA RASA .. blangko!


pano ka pa papasa sa exam nyan!? (aNak ng Mongol pencil #1!)


sabi nila, one week before the exam dapat nagre-relax ka na lang.. hindi ganun sa kaso ko... since nagta trabaho ako, di ko kaya isacrifice ang ilang lingong sweldo, kaya 1 week before the exam--dun pa lang ako nag start mag review:


7 days to go: pakape-kape sa starbucks kunyaring nagbabasa ng Obstetrics

6 days to go: nafeel kong lahat ng kilala kong mag te-take madami nang alam at ako wala pa rin... pakshet!

5 days to go: umiikot na sikmura ko sa kaba, kaya sinusuyod ko na ang mga pages ng Fundamentals at psych

4 days to go: nagbubungkal ako sa tambakan, hinahanap mga lectures ko nung college, mas madali kasi intindihin yun.

3 days to go: maluha-luha kong binabasa ang DOH

2 days to go: inakyat ko and antipolo church, nag-alay ng itlog sa st claire, nag tirik ng kandila sa mt. carmel at baklaran, lumuhod sa quiapo, nag novena kay St. Jude, mataimtim na nalangin dun sa bagong simbahan sa macapagal... at tumingin ng Havaianas sa Mall of Asia

Night before the exam: NAGLASING MAG-ISA ANG LOLO MO!


(to be continued...)

No comments: