BOARD EXAM: part 2
(this is a repost from january '07)
Ang board exam, isang paraan para malaman kung handa ka na bang magnurse-nurse-san at maguumepal sa hospital...
libu-libong piso ang inilalaan para sa review...
pang starbucks...
pang bili ng pirated materials sa tapat ng PRC...
at pang xerox ng leakage...
at kamakailan nagsulputang parang kulugo ang mga negosyong review centers sa maynila... naging malaking gatasan ito ng mga matatalino (mauutak) na baklang nurses na pagka-galing-galing mang uto ng estudyante, sa pamamagitan ng pananakot na di sila papasa pag di sila nag enroll sa review centers nila, naging multi million peso industry ang modus operanding ito.
at dahil sa kanila, maraming nawalan ng kompyansa sa sarili na mag-take ng exam. idinikdik kasi nila sa isip namin na hindi daw sapat ang pinag-aralan namin nung college para ipasa ang laban sa PRC.
* * * * *
dumating ang examination day na hindi ako sigurado sa pinapasok kong gulo!
alas singko nag uamaga ako nagising... wala nang panahon para ma-feel ko na kinakabahan ako... wala din ako malalapitan or mayayapos para mag inarte at sabihin "hindi ko yata kaya" parang kahit isang tray ng balut ang kainin ko--manginginig parin ang tuhod ko sa kaba!
sa mga oras na yun, parang blangko ang utak ko at nag drop siguro sa 25 ang IQ score ko... naglaho ng apat na taon na pinag aralan na parang nag joke ang pagkakataon. pati yata normal value body temp di ko maalala! LAGOT!
***nagsimula at natapos ang exam***
isang punto yun ng buhay ko na ayoko na talaga balikan.
wala ako naalala, parang REPRESSION, unconscious forgetting of traumatic experience and selected events! or baka nagkaron lang ako ng temporary retrograde amnesia!
mahigit isang bwan bago lumabas ang results.. isang buwan na parang habang-buhay na paghihintay
imaginin mo yung isang buwan na di ka makatulog, at wala kang iba iniisip kundi ang itsura ng dyaryo kinabukasan... dumaan ang pasko at bagong taon na parang tulala ka sa kawalan at tuwing pipikit ka e DOH manual ang makikita mo. inaamin ko: ipinagdasal kong wag na lang sana lumabas ang result at makalimutan ng PRC na may nag-take ng December boards!
No comments:
Post a Comment