Wednesday, June 6, 2007

etiology of of a call center agent

kung ka-edad mo ako at at pareho tayo ng estado ng buhay, malamang magkapareho tayo ng pananaw kung modern communication ang pag-uusapan.

kalimutan muna natin ang wifi, gprs, 3g at kung anu-anong tech stuff na nanlilimas ng bank account at payroll natin. bago nagsulputan ang mga ito, nabuhay nakuntento at napaligaya tayo ng domestic and mass telecommunication.

simulan natin nung 1990's, lahat ng teenager hindi na kilala ang mga magulang nila dahil pre-occupied sa TELEPONO. mura, payak pero umikot dito ang buhay ng mga bagets noon...

pag dating sa bahay telepono na agad ang tatabihan, walang bihis-bihis, walang ligo-ligo-- dial agad sa mga kabarkada na 15 mins pa lang hindi nagki-kitakita. dito mo mahahasa ang talas ng memorya, hindi uso ang phone book, kabisado mo lahat ng numbers ng ka klase, isama mo pa ang samut saring numbers ng party-line, radio hotline (request line) at ang pinaka sikat na AT&T105-15 (yung may mga kawawang operator na pinagti-tripan ng mga estudyanteng walang magawa sa free call na phone booth)

lalong naging masalimuot ang buhay ng mga nanay sa pagsaway sa kabataan sa pagtetelebabad nang lumabas ang call waiting function ng PLDT at ang Three way calling... uusok ang telepono at mamumula ang tenga mo dahil talaga namang nakakaaliw makipag-usap sa telepono lalo na kung walo kayo sa linya...

"hoy julius wag ka nga maingay di ko marinig kwento ni ebs!"


wala naman talagang makabuluhan ang pinag-uusapan ang magkakabarkada, minsan sa sobrang wala na kaming mapag-kwentuhan, sabaysabay na lang kami nanunuod ng marimar habang nasa telepono ... at kung minsan, nag-hihingahan na lang kami sa linya... at ibababa na lang pag inantok na...










call termination: yun pa ang isang nakakatawang bahagi nito... eto ang senaryo :

makalipas ang 2 oras na dead air...
"sige na good night na"
"oo nga bukas na natin ituloy"
"sige ibaba mo na.."
"mauna ka"
"hindi ikaw na... ako na nga tumawag e"
--makalipas ang walong taong negosasyon--
"sige na nga sabay na lang tayo"
"ok ... one.. two...three"

---dead air---

"o bakit di mo binaba?"
"kahapon ako na nagbaba e"

"o sige na nga"

(pagkababa...aangatin ulit ang receiver)
"o bakit nandyan ka pa?"

hay nako!!!




1 comment:

iamfroggy said...

hahaha. brought back a lot of freakin funny memories.. ibaba mo na.. di ikaw na ako na nga ang tumawag e..